Text

i have this super duper close friend na may boyfriend na super controlling. and i hate it. though hindi naman ako nakikialam sa relationship nilang dalawa dahil yun ang gusto nila, edi fine. pero ayaw ko lang yung idea na pagbabawalan yung isa na pumunta sa gathering ng magba-barkada for some stupid reason i don’t even want to know.

Friend 1: Guys, bukas celebration ko sa pagkaka-pass sa board exam.  Sa bahay lang, may pa-videoke!

Friend 2: Baka hindi ako makasama ah

Friend 1: Why?

Friend: Si Baby kasi sabi ang dami-dami ko raw pinupuntahang celebrations

Me: (sitting there like wtf)

—-

i just don’t get the idea kung bakit kailangan pagbawalan ang isang kaibigan na maki-celebrate sa mga kaibigan niya? bakit? trust issues? natatakot ka na baka lumandi siya sa iba? well, kung ganun, hindi mo siya talaga mahal dahil hindi mo siya pinagkakatiwalaan.

and besides, hindi ba nauna mong nakilala ang mga kaibigan mo bago siya? 

i don’t know if this is just me pero i don’t think of pursuing that kind of relationship. kasi kailangan ko rin naman ng life outside our “me and you” space. oo, tayong dalawa, pero that doesn’t mean na exclusive ako sa’yo. i can honestly let you know kung saan ako pupunta, sino mga kasama ko at ano ang gagawin namin pero hindi mo ko mapipigilan sa lakad ko.

bago sa’yo, nagkaroon din ako ng commitment sa mga kaibigan ko.so kung hindi mo matatanggap yun, that’s fine by me. 

Answer
  • Question: Mahilig ka pala sa chubby? - Anonymous
  • Answer:

    hindi naman baka nagkataon lang :)

Answer
  • Question: Natuwa ako sa Barista Chronicles mo. Swear. As in palagi ko siya hinihintay. Tapos ang cute ng every "episode". Lalo na yung ep11. Kaso nakakalungkot lang na ganun ang ending. Tipong huling pagkikita, unexpected good bye. :( - guywhoblogs
  • Answer:

    Well, life’s full of shocking surprises. And everything has its own ending and I guess ito na yung surprising ending ng kwento ko about Toffy haha. Thank you, though, for appreciating Barista Chronicles. Really appreciate it :)

Photo

Let’s eat healthy and be happy! 😊

Photo
Photo
Photo Set
Answer
  • Question: Toffy Grettchin ba? Tama? - Anonymous
  • Answer:

    hahaha! paano mo nalaman? ikaw na! too bad, may girlfriend na yata siya :(

Photo Set

This, I think, will be the last Barista Chronicles entry I’d be writing.

BARISTA CHRONICLES # 11

Ang tagal ko nang nagpapabalik-balik sa baba para bumili ng kape. Mapa-tanghali, umaga o gabi pero hindi ko pa rin siya nakikita, mahigit isang buwan na.

Kaya nung sinamahan ko yung PA namin one time na bumili ng kape, pinatanong ko sa kanya si Toffy and that was the time na nalaman namin na nalipat na pala ng branch si Toffy. :(

Me: (whispering) Ate Precs, tanong mo naman kung nasaan si Toffy

Precious: Ate, nasaan na si Toffy? Dito pa rin ba siya?

Barista: Ay si Toffy po? Wala na po dito ma’am nalipat na po siya sa ibang branch. Sa may Mindanao Ave

Precious: Ahh kelan pa po?

Barista: Mga isang buwan mahigit na rin

Nalungkot ako ng sobra noon. Parang namatay ang mga ilaw sa loob ng coffee shop. Parang dumilim ynug kalangitan. Ang bigat ng puso ko. Hirap na hirap tuloy ako magsulat ng episode.

That night, I decided na sa Starbucks na lang magsulat para naman maiba yung ambiance. Ito yung time na sinusulat ko yung culminating episode ng 3rd anniversary namin.

After ko um-order ng kape, sa dulo ako naupo para konting tao lang yung nakikita ko. Lumipas ang ilang oras, unti-unti na nawawala yung mga tao. One barista even approached me nga and asked kung may order pa ko kasi magsasarado na sila. I said wala na pero nag-stay pa ko ng konti.

After a while may napansin akong umupo sa table across where I am sitting. When I glanced, my heart skipped a beat, the words that i’m typing went scrambled and i got butterflies in my stomach. 

Nag-slow motion ang paligid, parang may music pero wala naman. I pretended na busy pa rin ako sa sinusulat ko while my earphones are on kahit na sa peripheral vision ko nakita ko siyang tumingin at na-recognize niya ko despite my new haircut. 

Mga ilang minutes na lumipas hindi ko pa rin siya napapansin (on purpose). Kahit na tumayo siya at pumunta sa pinto ng restroom na katapat ko para pagbuksan yung babaeng na-lock sa loob ng guard. 

Hindi ko pa rin siya pinansin.

Until tumayo ulit siya para i-check kung naka-lock na ulit yung pinto ng restroom and that time I heard him talking to me:

Toffy: Busyng-busy ka diyan ah!

Me: (kunwari suprised) uy! ikaw pala ‘yan! Bakit ngayon lang ulit kita nakita?

Toffy: Ah kasi nalipat na ko ng branch

Me: Ahh… kaya pala hindi na kita nakikita dito. Saang branch ka na nalipat? (kunwari hindi ko pa alam)

Toffy: Sa may Mindanao Ave na :)

Me: Kelan pa?

Toffy: Mga isang buwan na rin

Me: Ahhh ok :)

Toffy: Hindi ka pa uuwi?

Me: Hindi pa eh. Hindi pa ko tapos :)

Toffy: Ah sige sige. Tuloy mo na yan :)

Me: Ok sige. Thanks! :)

Toffy: Bye!

Me: Bye! (Is this goodbye forever?)

Yung lungkot na nararamdaman ko at that moment napalitan ng saya. Parang mas bumango yung kapeng iniinom ko. Parang mas bumilis yung pagiisip ko ng mga salitang isusulat ko sa script. Parang may tumugtog na love song.

I remained seated sa kinauupuan ko. Habang siya lumipat malapit sa main door habang hinihintay yung mga dati niyang ka-work sa branch na ‘to. 

Masaya ako na kahit na hindi ko na siya makikita sa branch na ‘yun, at least nakita ko siya for one last time and we bid each other goodbye (kahit na sa kanya normal na goodbye lang ‘yun.)

Mahal pa rin talaga ako ni Lord. :)

Afterword:

Barista Chronicles now signing off :)

Photo Set
Photo Set

doodlero:

dirtycartunes:

this one of my favorite documentaries.

Uhmmmm.

Source: hastea
Photo Set

ecamazing:

jemilovato:

Ang sakit naman neto.

Solid. Martyr. :(

gusto ko ma-meet tong babaeng ‘to

(via kapitanbimbo)

Source: jemilovato
Photo
Photo
Text